May sweet na mensahe si Chloe San Jose sa pagpakanalo ng nobyong si Carlos Yulo sa 2024 Paris Olympics.

GF ni Carlos Yulo sa gold medal ng nobyo: "We did it all in god's name"GF ni Carlos Yulo sa gold medal ng nobyo: “We did it all in god’s name” (@chloeanjeleigh)

Source: Instagram

Sa kanyang Instagram, agad na nakapag-post ng maiksing video si Chloe kung saan kasama niya si Carlos na suot pa ang gintong medalya nito mula sa pagkapanalo sa Artistic Gumnastics, Men’s Floor exercises.

“We did it all in god’s name,” ang caption ni Chloe sa maiksing video kung saan kasama niya si “Caloy.”

Makikitang walang pagsidlan halos ng kasiyahan ang dalawa sa matapos na makamit ni Carlos ang ikalawang ginto sa kasaysayan ng paglahok ng Pilipinas sa Olympics.

Samantala, narito ang ilan sa mga pagbati ng netizens kay Carlos:

“Congrats Caloy! So happy na meron kang supportive girlfriend.”

“Quality reel! Maraming salamat sa laban at congratulations Carlos”

“Isang malugod na pagbati sa iyong tagumpay sa Olympics! Tunay na ikaw ay isang inspirasyon sa kabataang Pinoy.”

“Mabuhay ka, at ipagpatuloy mo ang pagpapalakas ng ating bandila.”

“Deserve mo yan Caloy! Nagbunga na ang sipag at determinasyon mo.”

Narito ang kabuuan ng reel na ibinahagi rin ni Chloe sa kanyang Facebook:

Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba’t ibang gymnastics competitions, partikular na sa vault at floor exercises. Si Yulo ay nagsimulang mag-train sa edad na pito at nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral at mag-ensayo sa Japan. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.Ngayong Agosto 4, lalaban muli sa isa pang kategorya si Yulo, kung saan umaasa ang marami na makapag-uuwi muli siya ng isa pang ginto para sa Pilipinas.

Matatandaang isa rin sa ipinagmamalaki ng Pilipinas pagdating sa pampalakasan ay si Hidilyn Diaz. Hindi nito napigilang maging emosyonal matapos niyang maiuwi ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Olympic Games noong 2021. Tinalo ni Hidilyn ang pambato ng China na si Liao Qiuyun na nakakuha ng silver at bronze naman para kay Zulfiya Chinshanlo ng Kazakhstan.

Samantala, gumulantang naman sa publiko ang naging post ng ina ni Carlos, ilang araw bago masungkit ng anak ang gold medal sa Artistic Gumnastics, Men’s Floor exercises mula sa Paris Olympic Games 2024.