Chloe San Jose: “I know my truth and so does the people around me.”

Chloe San Jose fights back with screenshots

Chloe San Jose, girlfriend of two-time Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo, bares her “truth” in a lenghty Facebook post with “receipts” about her strained relationship with boyfriend’s family. 

Hindi nagpatinag si Chloe San Jose laban sa mga batikos sa kanya ng mga kaanak at kakilala ng boyfriend na si two-time Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo.

Sa Facebook nitong Huwebes ng gabi, September 5, 2024, ibinahagi ni Chloe ang aniya’y huli niyang pagsagot tungkol sa mga batikos sa kanya dahil sa boyfriend na si Carlos.

Kasunod ito ng naglipanang screenshots ng pambabatikos sa kanya, na ang ilan ay sini-share ng mismong ama ni Carlos na si Mark Andrew Yulo.

Nagku-comment din si Mark sa mga post patungkol sa anak kung saan nais niyang humingi ito ng tawad sa inang si Angelica Yulo, na tinawag niya umanong “magnanakaw.”

CHLOE’S LAST POST ABOUT THE ISSUE

Sa post ni Chloe, palaban nitong hinamon ang mga taong ayaw umano sa kanya.

Magalit na umano ang nga ito pero nagpapakatotoo lamang siya at sinasagot ang mga kasinungalingang ipinagpakalat tungkol sa kanya.

Aniya: “no need na for a long caption—this is not even all of it lol but here we are for y’all’s entertainment

“if you’re gonna get mad at me for standing up for myself, stay mad. if you’re gonna get mad at me for breaking generational curse, stay mad.

“if you’re gonna get mad at me because i reacted to their disrespect and told the truth, stay mad.

“if you’re gonna get mad at me for standing up for my partner against their toxicity, then stay mad.”

Nandito raw siya hindi upang i-please ang sinuman.

Ang mahalaga ay alam niyang tama ang kanyang ipinaglalaban, at alam daw ito ni Carlos.

Hindi na raw siya magsasalita pa tungkol dito matapos ang kanyang post.

Saad niya, “i’m not here to please anyone, i know what i did and didn’t. feel free to keep believing whatever you see and read online, it doesn’t matter—i know my truth and so does the people around me, most specially mahal Carlos. the universe has my back