Kylie: “Ipinaglaban ko din ito. Ba’t lahat na lang, ba’t pinahihirapan ako?”
Kylie Padilla on her current relationship: “The best thing I love about it is may balance na ako ngayon from my work-life to my personal life. In my work-life, artista ako. I work, I’m an actress. It’s a different world, very different world. And then when I’m with my partner, I’m normal again. I am just Kylie.”
PHOTO/S: GMA NETWORK
Kasunod ng pag-aming “taken” na siya ay ang rebelasyon ni Kylie Padilla na ipinaglaban din nito ang kasalukuyang karelasyon.
“Ipinaglaban ko din ito. Ba’t lahat na lang, ba’t pinahihirapan ako?” pahayag ni Kylie sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda noong Martes, Hulyo 16, 2024.
“Ipinaglaban kasi na-reveal sa akin yung mga ugali ko, mga ayokong tanggapin.
“You know, everyone has ego. Na-reveal sa akin yung sa akin and, in some way, mas hinarap ko siya ngayon, this time, yung imperfections ko.
“Kasi nagko-connect siya sa pagiging nanay ko. Me as a person.
“And this relationship, really, tinuruan ako. I learn and I love learning.
“Growing talaga is my favorite thing about life. Merong wisdom ka talagang makukuha.
“And this relationship, I’m really grateful na ganoon yung… I am much more humble now.”
Ipinagtapat din ni Kylie kay Boy ang mga natutunan mula sa kanyang partner — ang higit na pagtiwalaan ang sarili at huwag matakot kaya mas pinaiiral niya ngayon ang kanyang utak kesa sa puso.
“Meron din akong lesson dito, sa relationship ko ngayon, and it taught me to just trust myself more talaga and not to be scared to be myself.
“But mind muna. You can teach the heart and I think time na para utak muna,” sabi ni Kylie.
Si Kylie ay hiwalay sa kanyang mister na si Aljur Abrenica, kung saan mayroon siyang dalawang anak na lalaki.
WHO IS KYLIE PADILLA’S NEW BOYFRIEND?
Hindi binanggit ni Kylie ang pangalan ng kanyang karelasyong walang kinalaman sa entertainment industry.
“He’s outside the business,” sabi ni Kylie.
“The best thing I love about it is may balance na ako ngayon from my work-life to my personal life.
“In my work-life, artista ako. I work, I’m an actress. It’s a different world, very different world.
“And then when I’m with my partner, I’m normal again. I am just Kylie.
“The Kylie that grew up in Australia. I’m the Kylie na nanay lang ako and I do normal nanay things.
“I love that… there’s no trying to keep up to a certain image.”
Hindi man pinangalanan ni Kylie ang kanyang karelasyon ngayon, naging maagap sa pag-iimbestiga ang netizens na sumusubaybay sa mga pangyayari sa personal at propesyunal na buhay niya.
May mga nagsasabing ang tattoo artist na si Jinno John Simon ang boyfriend ni Kylie dahil silang dalawa ang madalas na nakikitang magkasama.
Kylie Padilla was spotted with rumored boyfriend Jinno John Simon
PHOTO/S: COURTESY: @IVHETGONZALES ON TIKTOK
JINNO JOHN SIMON INVOLVED IN A CONTROVERSY IN 2018
Pamilyar sa publiko ang pangalang Jinno John Simon dahil ito rin ang pangalan ng isang personalidad na inakusahan ng pambubugbog ng Grab driver na si Armando Yabut noong Pebrero 2018.
Serious physical injuries ang kasong isinampa ni Yabut laban kay Jinno, na naiwan ang cellphone sa ipinapasadang Grab car ni Yabut.
Nagduda si Jinno na may ibang intensiyon si Yabut dahil, diumano, hindi nito sinasagot ang mga tawag niya.
Jinno John Simon in an interview with TV Patrol in February 2018
PHOTO/S: ABS-CBN YOUTUBE
Kuwento ni Jinno sa panayam ng TV Patrol noong Pebrero 2018: “Three to four, five times, and then pinatay niya po yung cellphone ko. So, wala na kaming ibang choice kundi sa customer’s service na lang.
“Nakuha na lang po yung personal number niya. Tinawagan po siya.
“Ibabalik na daw niya po yung phone. Ang katuwiran niya po, hindi niya raw po hinawakan ang cellphone ko.
“Ang sabi niya, meron daw po siyang pasahero kaya hindi po niya sinasagot.”
Nag-viral sa social media ang kuwento ng pananakit ni Jinno kay Yabut kaya nakatanggap siya ng mga pagbabanta sa kanyang buhay na dahilan ng matinding takot na naramdaman niya.
“Sobrang sama na po ng pangalan ko,” hinaing noon ni Jinno.
“Sirang-sira na po. Hindi ako makauwi ng apartment ko.
“Hindi ako makakuha ng gamit ko. Wala akong damit.
“Maraming nagbabanta sa akin. Nakakatakot po, e.
“Inaamin ko naman po, mali yung ginawa kong pananakit. Maling-mali po talaga yon.
“Humihingi po ako ng tawad sa nagawa ko kay Mr. Yabut. Nadala lang po talaga ako ng emosyon ko.”
Sa kabila ng paghingi ni Jinno ng paumanhin, hindi nagbago ang desisyon ni Yabut na magsampa ng reklamo na suportado ng Grab company.
Lahad ni Yabut, “Halos lumuhod ako sa kanya. Hinimas-himas ko siya na parang santo.
“Nagso-sorry ako sa kanya. Sabi ko, pakinggan niya ang explain ko, pero hindi niya ako pinakikinggan.
“Ang sabi niya sa akin, tuturuan niya ako ng leksiyon.”
Dagdag pa ng Grab driver, na pulang-pula ang mata noon dahil sa matinding pananakit na natamo, “Hangga’t maaari, gusto ko po siyang makita sa kulungan.”
Anim na taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang insidente, pero hindi na nalaman ng publiko ang kinahinatnan ng kaso.
Hanggang sa muling mabanggit at pinag-usapan ang pangalan ni Jinno sa social media dahil sa pagkakaugnay nito kay Kylie.
News
MARIAN RIVERA ISINAPUBLIKO NA ANG ANAK NILA NI ERVIC VIJANDRE!
Kamakailan lamang, naging sentro ng atensyon si Marian Rivera matapos niyang isapubliko ang kanilang anak ni Ervic Vijandre. Ang kanyang pagbabahagi ng mga larawan at detalye tungkol sa kanilang anak ay agad na umani ng reaksyon mula sa mga tagasuporta…
🔴 Lumabas na ang Resulta ng DNA Test! 🔴 Pagbubuntis ni Kim Chiu, Paulo Avelino Kakasuhan ni Ate ni Kim!
Kamakailan lamang, naging mainit na usapan ang mga balita tungkol sa pagbubuntis ni Kim Chiu at ang resulta ng DNA test na lumabas, na nagbigay-diin sa mga kontrobersya at intriga sa kanyang personal na buhay. Ang mga isyung ito ay…
REAKSYON ng ANAK ni Paulo Avelino sa PAGBUBUNTIS ni Kim Chiu!
Kamakailan lamang, naging laman ng balita ang pagbubuntis ni Kim Chiu, at isa sa mga nakakaaliw na reaksyon ay nagmula sa anak ni Paulo Avelino, si Aiden. Ang kanyang pahayag ay agad na umani ng atensyon sa social media, lalo…
KIM CHIU NAGULAT,PAULO AVELINO BINATI NI VICE SA SHOWTIME, KIM INAMIN NA SIYA NALANG MAGISA
Kamakailan lamang, naging laman ng balita si Kim Chiu matapos siyang magbigay ng isang nakakagulat na pahayag sa isang episode ng “It’s Showtime.” Sa nasabing episode, binati ni Vice Ganda si Paulo Avelino, na isa sa mga bisitang panauhin, at…
KARLA Estrada UMAMING NABUNTIS ng EX- Boyfriend na si JAM IGNACIO bago sila NAGHIWALAY!
Kamakailan lamang, naging usap-usapan si Karla Estrada matapos niyang aminin sa isang panayam na siya ay nabuntis ng kanyang ex-boyfriend na si Jam Ignacio bago sila naghiwalay. Ang kanyang pahayag ay nagbigay-diin sa mga kumplikadong aspetong natutunan niya sa kanyang…
“I Said Yes To Paulo Avelino” – Kim Chiu Idinetalye ang Nakakabilib Kaya Nainlove Siya Dito!
Kamakailan lamang, naging laman ng balita si Kim Chiu matapos niyang ipahayag ang kanyang damdamin kay Paulo Avelino. Sa isang panayam, inamin ni Kim na talagang nahulog ang kanyang loob kay Paulo, at hindi niya maikakaila na mayroong espesyal na…
End of content
No more pages to load