Coco Martin dedicates award to Jaclyn Jose, Deo Endrina
Coco: “Sobra naming pinaghihirapan ang pagbuo ng Batang Quiapo.”
Coco Martin on what’s next for FPJ’s Batang Quiapo: “Sabi ko nga wala pa, ang layo pa, di ko pa nari-reveal yung mga dapat ma-reveal na mga characters. Kaya marami pang mga kuwento, mas marami pang characters na papasok.”
PHOTO/S: @COCOMARTIN_PH / @B617MANAGEMENT INSTAGRAM
Inalay ni Coco Martin ang tinanggap niyang award para sa FPJ’s Batang Quiapo sa namayapang aktres na si Jaclyn Jose at sa Dreamscape head na si Deo Endrinal.
Pinarangalan ang FPJ’s Batang Quiapo bilang Most Popular TV Program sa Primetime Drama category sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Entertainment Awards 2024.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Coco sa awards night, na ginanap sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila University, noong nakaraang May 12, 2024.
Pagbibigay-pugay ni Coco, “Sobra kay Sir Deo, kay Mama Jane.
“Sa lahat ng bumubuo, sa lahat ng boss ng ABS-CBN na patuloy na naniniwala at sumusuporta sa amin upang magkatrabaho ang mga kasama natin sa industriya.
“Para sa iyo ito, Mama Jane.”
Ang tinutukoy niyang “Mama Jane” ay si Jaclyn, na ang tunay na pangalan ay Jane Guck.
Pumanaw si Jaclyn sa edad na 60 noong March 2, 2024; habang si Deo ay pumanaw sa edad na 60 noong February 3, 2024.
COCO MARTIN ON TEAM BEHIND FPJ’S BATANG QUIAPO
Inalay din ng Kapamilya aktor ang award sa lahat ng bumubuo at sumusuporta sa show.
Aniya, “Masaya ako para sa buong team ng Batang Quiapo.
“Siyempre sobrang sarap sa pakiramdam dahil sobra naming pinaghihirapan ang pagbuo ng Batang Quiapo.
“Sobra akong nagpapasalamat sa team, sa lahat ng directors, sa lahat ng mga scriptwriters, creative, staff, and crew.
“Sobra kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga taong sumusubaybay at tumatangkilik gabi-gabi.
“Sobra akong nagpapasalamat kay FPJ, kay Tita Susan, sila ang aming inspirasyon para sobra pa naming pagbutihan ang trabaho namin.”
Ang tinukoy niyang “Tita Susan” ay si Susan Roces, ang asawa ni FPJ o Fernando Poe Jr.
News
Ilkay Gundogan sacrificing huge figure to re-join Man City after ripping up lucrative Barcelona contract
Ilkay Gundogan sacrificing huge figure to re-join Man City after ripping up lucrative Barcelona contract Ilkay Gundogan looks set to return to Man City. Ilkay Gundogan will sacrifice a huge sum to re-join Manchester City after ripping up his Barcelona…
How much Cristiano Ronaldo stands to make from YouTube after announcing new business venture
How much Cristiano Ronaldo stands to make from YouTube after announcing new business venture Cristiano Ronaldo has set out to conquer a new industry. Cristiano Ronaldo is set to add even more cash to his already enormous net worth, as…
Former member of Miss Tres passes away
Former member of Miss Tres passes away Angel “Conrado” Sangalang, also known as “Miss Uno” from the transgender singing trio Miss Tres, has passed away. The news was confirmed by another group member, Mariko “Joselito” Ledesma, or “Miss Dos”, through…
PAULO AVELINO NAGPAPAKITANG GILAS KAY KIM CHIU ⭐ GRABE ANG PAGMAMAHAL PALA NI PAU
PAULO AVELINO NAGPAPAKITANG GILAS KAY KIM CHIU ⭐ GRABE ANG PAGMAMAHAL PALA NI PAU Sa mundo ng showbiz, hindi na bago ang mga love teams at mga pagkakaibigan na nauuwi sa mas malalim na relasyon. Subalit, hindi lahat ng kwento…
TRENDING: Totoong UGALI ni KIM CHIU, Isiniwalat ni BELLA PADILLA! GRABE PALA SYA SA MGA FRIENDS NYA?
TRENDING: Totoong UGALI ni KIM CHIU, Isiniwalat ni BELLA PADILLA! GRABE PALA SYA SA MGA FRIENDS NYA? Sa mundo ng showbiz, madalas na tinitingala ang mga artista bilang mga taong malayo sa realidad—mga indibidwal na laging nakangiti at tila walang…
Kim Chiu at Bella, AGAD NAKIRAMAY at DINAMAYAN ang Kaibigang si Angelica Panganiban!
Kim Chiu at Bella, AGAD NAKIRAMAY at DINAMAYAN ang Kaibigang si Angelica Panganiban! Isang malaking hamon sa buhay ang mawalan ng mahal sa buhay, at walang makakapalit sa sakit na dulot nito. Sa panahon ng kalungkutan, ang pagkakaroon ng mga…
End of content
No more pages to load