Sumakabilang buhay na ang ina ni Angelica Panganiban na si Annabelle Panganiban.

Mismong ang aktres ang nagbahagi ng malungkot na balitang ito sa kanyang 7.4M followers sa Instagram ngayong araw, August 21, 2024.

Sa announcement na ibinahagi ni Angelica, mababatid na sumakabilang buhay ang kanyang ina nitong araw ng Martes, August 20, 2024 sa edad na 61.

Magkakaroon umano ng burol simula bukas, Huwebes, August 22 sa Aeternitas Chapels and Columbarium sa Commonwealth.