Isang matinding laban ang kinakaharap ngayon ni Doc Willie Ong at ng kanyang pamilya at taga-suporta.

Kasalukuyang sumasailalim sa chemotheraphy si Ong dahil sa nakitang sarcoma sa kanyang katawan. Isa itong uri ng cancer na masasabing mahirap puksain. Patuloy na bumubuhos ang suporta para kay Doc Willie, kaya naman nagsisilbi itong sandalan niya para magpatuloy.

Isa ang pinay beauty queen at actress-comediane na si Herlene “Hipon Girl” Budol ang nagpaabot ng suporta para kay Doc Willie. Sa kanyang uploaded video sa kanyang facebook na may caption na “Di po tayo close pero get well po.” Inihayag niya ang pagmamahal at pasasalamat sa sikat na doktor at content creator dahil isa siya sa mga napagaling nito dahil sa panonood sa kanyang mga videos.

Ayon pa kay Herlene, nang dahil sa panonood niya sa content nito ay gumaling ang kanyang almoranas. Labis na prinoblema ito ng aktres dahil sa halos araw-araw siyang dumanas ng matinding pagdugo ng kanyang puwit. Sa mga content umano ni Dr. Ong nalaman ni Herlene kung ano ang mabisa at natural na paraan upang magamot ito.

Sinabi umano ni Doc Willie na kumain lamang ng mga prutas na nagsisimula sa letrang “P” at naging maayos nga ang kanyang pagdumi.

Ang sabi mo pa nga du’n na kumain lang ng mga letter P na prutas, magiging smooth yung pagtae ko, aba effective nga,” wika ni Herlene.

Hinikayat niya rin ang doctor na magpalakas dahil maraming siya supporters na umaasa sa kanya na karamihan ay mga sakitin at itinuturing nila si Doc na “Fist Aide” kaya bawal siyang manghina.

“Shout out nga pala kay Doc Willie Ong na mayroong sakit ngayon. Lord, pagalingin niyo po siya dahil marami po kaming mga sakitin na umaasa sa kanya.

“Bawal kang manghina dahil ikaw ang first aid namin.”

Nang mapanood nga ni Herlen ang latest vlog ni Doc Willie patungkol sa kanyang sakit, ay labis siyang naawa at na-touch dahil nabanggit nito na sa kanyang pagkakasakit ay naging close pa siya sa kanyang pamilya. Kaya naman nagbigay pa ng isang payo ang aktres kay Ong, aniya hindi na dapat dumating ang puntong magkakasakit siya para mangyari iyon. At dapat sa kanyang paggaling ay mas ma-appreciate at magkaroon pa sila ng maraming bonding.

“Na-touch din ako sa sinabi ni Doc (sa vlog niya) na noong nagkasakit siya mas naging close siya sa pamilya niya.

“Hindi mo na kailangang magkasakit Doc para mas maging close sa pamilya mo. Kasi kapag gumaling ka, mas ma-a-appreciate ka nila at mas marami pa kayong magiging bonding.”

Samantala, patuloy ang gamutan ni Doc Willie Ong at kung mapapansin sa kanyang vlogs ay matinding kapayatan na ang makikita sa kanya at labis na paghihirap, subalit pilit niya itong nilalaban para sa layunin na hindi niya pa naabot para sa mga mahihirap.