Coco Martin dedicates award to Jaclyn Jose, Deo Endrina

Coco: “Sobra naming pinaghihirapan ang pagbuo ng Batang Quiapo.”

Coco Martin accepts award for FPJ's Batang Quiapo



 

Coco Martin on what’s next for FPJ’s Batang Quiapo: “Sabi ko nga wala pa, ang layo pa, di ko pa nari-reveal yung mga dapat ma-reveal na mga characters. Kaya marami pang mga kuwento, mas marami pang characters na papasok.”
PHOTO/S: @COCOMARTIN_PH / @B617MANAGEMENT INSTAGRAM

Inalay ni Coco Martin ang tinanggap niyang award para sa FPJ’s Batang Quiapo sa namayapang aktres na si Jaclyn Jose at sa Dreamscape head na si Deo Endrinal.



Pinarangalan ang FPJ’s Batang Quiapo bilang Most Popular TV Program sa Primetime Drama category sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Entertainment Awards 2024.



 

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Coco sa awards night, na ginanap sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila University, noong nakaraang May 12, 2024.



Pagbibigay-pugay ni Coco, “Sobra kay Sir Deo, kay Mama Jane.



“Sa lahat ng bumubuo, sa lahat ng boss ng ABS-CBN na patuloy na naniniwala at sumusuporta sa amin upang magkatrabaho ang mga kasama natin sa industriya.

“Para sa iyo ito, Mama Jane.”

Coco Martin at Guillermo Box Office Awards


 

Ang tinutukoy niyang “Mama Jane” ay si Jaclyn, na ang tunay na pangalan ay Jane Guck.

 

Pumanaw si Jaclyn sa edad na 60 noong March 2, 2024; habang si Deo ay pumanaw sa edad na 60 noong February 3, 2024.

COCO MARTIN ON TEAM BEHIND FPJ’S BATANG QUIAPO

Inalay din ng Kapamilya aktor ang award sa lahat ng bumubuo at sumusuporta sa show.

Aniya, “Masaya ako para sa buong team ng Batang Quiapo.






 

“Siyempre sobrang sarap sa pakiramdam dahil sobra naming pinaghihirapan ang pagbuo ng Batang Quiapo.

“Sobra akong nagpapasalamat sa team, sa lahat ng directors, sa lahat ng mga scriptwriters, creative, staff, and crew.

“Sobra kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga taong sumusubaybay at tumatangkilik gabi-gabi.

“Sobra akong nagpapasalamat kay FPJ, kay Tita Susan, sila ang aming inspirasyon para sobra pa naming pagbutihan ang trabaho namin.”

Ang tinukoy niyang “Tita Susan” ay si Susan Roces, ang asawa ni FPJ o Fernando Poe Jr.