Xian Lim, nilinaw na si Kim Chiu ang nag-initiate ng breakup

Xian Lim, may mensahe sa mga nambabatikos sa kanya.

kim chiu xian lim breakup



 

Xian Lim on breakup with Kim Chiu: “I understand why the supporters are angry. I understand why they feel betrayed. Pero masakit din yon para sa amin. They’re watching it from a distance. Eto kaming dalawa and we have our talks. Nag-usap kami privately. Hindi na kailangan pang himayin kung sino ang nagkulang. I think the length of it speaks for itself.”

Si Kim Chiu ang nagwakas sa kanilang mahigit sa isang dekada na relasyon ang rebelasyon ni Xian Lim.



Sinabi ito ni Xian sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda na naganap nitong Miyerkules ng hapon, Hunyo 12, 2024.

Kasama ni Xian sa pagbisita nito sa nabanggit na programa si Sanya Lopez, isa sa mga co-star niya sa Playtime, ang pelikulang nagbukas sa mga sinehan ngayong araw at pinagbibidahan din nina Coleen Garcia at Faye Lorenzo.






 

Nagulat si Xian nang tanungin ni Boy kung magkaibigan sila ni Kim matapos ang kanilang paghihiwalay.

Saad ng Kapuso actor-director: “Of course, of course.

“Nagulat ako sa tanong. Of course, yes.

“To be completely honest, ever since we went our separate ways, hindi pa po kami nakakapag-usap .

“But when that night happened, maayos yung pag-uusap namin.


 

“Of course, merong iyakan, but there was that assurance na we went through twelve years, di ba?

“Twelve years of our existence so it has that respect.”

Xian Lim's photo with Kim Chiu

Xian Lim with ex-girlfriend Kim Chiu when they were still in a relationship. 
PHOTO/S: COURTESY: INSTAGRAM