Mark Andrew Yulo reposts, likes Facebook post against Chloe San Jose.

gerald fajardo yulo family chloe sa jose

Gerald Fajardo (right photo, leftmost), a close friend of the Yulo family, accuses Chloe San Jose (right photo, center) of ruining her boyfriend Carlos Yulo’s (right photo, rightmost) family. Carlos is currently in conflict with his parents, Mark Andrew and Angelica Yulo (left photo).
PHOTO/S: Mark Andrew Yulo Facebook / Gerald Fajardo Facebook
Ang pagbabahagi ng ama ni Carlos Yulo na si Mark Andrew Yulo sa Facebook page nito ng social media post ng isang Gerald Fajardo ang tila kumpirmasyon at pagsang-ayon niyang lehitimo ang mga nakakaintrigag paratang ni Fajardo laban kay Chloe San Jose.

Si Chloe ang kontrobersiyal na kasintahan ng two-time Paris Olympic gold medalist.

Base sa Facebook profile ni Fajardo, isa itong “coach” ng modeling, dancing, acting, at personality development.

Pinaniniwalaang malapit siya sa pamilyang Yulo dahil kabilang sa “friends” niya sa Facebook ay ang mga magulang ni Carlos na sina Mark Andrew at Angelica Yulo, pati na ang nakababatang kapatid ng Olympic champion na si Karl Eldrew Yulo.

Sa pagbisita rin sa kanyang Facebook page ay makikita ang mga larawan ni Fajardo kung saan kasama nito ang pamilya Yulo, at maging sina Carlos at Chloe.

Gerald Fajardo with Carlos Yulo and Chloe San Jose

Gerald Fajardo with (left photo) Angelica Yulo and her children Karl Eldrew and Elaiza, (right photo) Chloe San Jose and Carlos Yulo. 
Photo/s: Gerald Fajardo Facebook

GERALD FAJARDO’S POST

Sa kanyang Facebook post kahapon, September 5, 2024, inaakusahan ni Fajardo na ang malakas na impluwensiya ni Chloe kay Carlos ang dahilan kaya nananatiling mailap at malayo sa pamilya nito ang world-class gymnast mula nang sumambulat ang hidwaan nila ng kanyang ina na si Angelica.