Lolo ni Carlos Yulo, hindi na itinuloy ang planong abangan ang parada ng apo.

carlos yulo father mark andrew yulo

A banner with “CALOY DITO PAPA MO” caught the attention of netizens who watched the Heroes’ Parade of Team Philippines in Manila, earlier today, August 14, 2024. A video caught Mark Andrew Yulo, father of two-time gold medalist Carlos Yulo, among the spectators.
PHOTO/S: RTV Malacanang YouTube
Nakunan ng larawan at video si Mark Andrew Yulo habang pinapanood niya ang pagdaan ng float na sinasakyan ng kanyang anak na si Carlos Yulo, kasama ang iba pang mga atleta, sa grand heroes’ parade na naganap sa lungsod ng Maynila, nitong Miyerkules ng hapon, Agosto 14, 2024.

Kabilang si Mark sa libu-libong bilang ng mga taong naghintay sa float ng atletang miyembro ng Team Philippines na lumahok sa Paris Olympics 2024 na idinaos sa Paris, France, mula Hulyo 26, 2024 hanggang Agosto 11, 2024.

Si Carlos ang higit na ipinagbubunyi ng mga Pilipino dahil sa dalawang medalyang gintong napanalunan niya para sa men’s floor exercise at men’s vault events.

Pumukaw ng atensiyon at damdami ng mga nanood ng parada ang banner na may nakasulat na “CALOY DITO PAPA MO” na hawak ng mga kasama ni Mark para madali itong makita ni Carlos.

Nakita ng sambayanang Pilipino ang ama ni Carlos na tuwang-tuwang nakataas ang mga kamay habang buhat siya ng isang kasama.

mark andrew yulo

Mark Andrew Yulo, the father of Carlos Yulo, is one of thousands who cherred for Team Philippines during the heroes’ parade. 
Photo/s: Screen grab from RTVM YouTube

Hindi nakita sa live coverage ng naganap na parada ang reaksiyon ni Carlos nang makita nito ang tatay niya, pero walang kapaguran ang Olympic champion sa pagkaway sa mga taong mainit ang pagsalubong sa Team Philippines.