Angelica at Angelo: pighati ng dalawang magulang

angelica yulo nino muhlach

Angelica Yulo (left), mother of Olympic gold medalist Carlos Yulo, and Nino Muhlach, father of Sparkle artist Sandro Muhlach, become the center of attention when they faced the press and the senate, respectively, to talk about their children.
PHOTO/S: YouTube
Pumukaw sa interes ng publiko ngayong Miyerkules, Agosto 7, 2024, ang kuwento ng dalawang magulang — sina Angelica at Angelo — na may madadamdaming pahayag tungkol sa kani-kanilang anak nila na parehong nasa sentro ng kontrobersiya ngayon.

Si Angelica Yulo ang ina ng 24-year-old two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Si Angelo, na higit kilala sa screen name nitong Niño Muhlach, ang ama ni Sandro Muhlach, ang 23-year-old-actor na nagreklamo ng sexual harassment laban sa GMA-7 “independent contractors” na sina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz.

ANGELICA YULO

Ilang araw nang biktima ng mga batikos sa social media si Angelica Yulo dahil sa pagsasalita niya tungkol sa hidwaan nila ng anak na si Carlos na may kinalaman umano sa pera.

Nakatulong ang pagharap, pagsasalita, at pagpapaliwanag ni Angelica sa press conference na naganap nitong Miyerkules para maunawaan ng publiko ang pinanggagalingan ng malalim na tampo niya kay Carlos.

carlos yulo mother angelica

Carlos Yulo and Angelica Yulo 
Photo/s: @carlosedriel on TikTok / Bombo Radyo Facebook

Likas na mapagpatawad at malambot ang puso ng mga Pilipino kaya naantig din ang kanilang mga damdamin nang humingi ng kapatawaran si Angelica mula sa kanyang anak.