Carlos Yulo hindi na raw makontak ng kanyang pamilya. Ito ay ayon mismo sa negosyanteng si Chavit Singson.

Nakapanayam ng ilang media ang negosyanteng si Chavit Singson ngayong araw ng Huwebes, Agosto 22. Sa nasabing panayam, nahingian ng update ang negosyante hinggil sa reward na ipinangako nito kay Carlos Yulo na Php5M.

Ayon kay Chavit, nakausap niya na ang tatay, nanay at mga kapatid ni Caloy pero napag-alaman niya na hindi na raw makontak ng mga ito ang gold medalist.

Saad niya, “Nakausap ko na… tatay, nanay at mga kapatid…. hindi na raw nila makontak.”

Kasunod nito, nakiusap na rin si Singson na sana makipag-usap na si Caloy sa kanyang pamilya.

So, nakikiusap ako kay Caloy… pamilya mo muna (unahin) dahil wala ka naman diyan kung hindi dahil sa kanila,” ani Chavit.

Kung matatandaan, hinikayat ni Singson si Caloy na makipag-ayos na sa kanyang pamilya. Kung gagawin umano ito ng two-time Olympic gold medalist, magbibigay siya ng Php5M bilang reward.