…in her Olympic uniform.

Zhou Yaqin

Young gymnast Zhou Yaqin goes viral again for serving food orders at her parents’ restaurant just a week after winning an Olympic medal. 
PHOTO/S: X / One Sports on YouTube
Nag-viral muli ang Olympic female gymnast na si Zhou Yaqin, 18, matapos kumalat ang videos niya habang tumutulong sa restaurant ng kanyang nanay at tatay.

Malayung-malayo ang eksenang ito sa grand welcome ng Pilipinas para sa two-time gold medalist na si Carlos Yulo at 16 pang fellow athletes pagbalik sa Pilipinas matapos lumahok sa Paris Olympics 2024.

Sa airport pa lamang ay mainit na salubong ang binigay sa Filipino athletes.

Nakadaupang-palad pa nila ang Pangulo sa Malacanang, binigyan ng cash incentives isa-isa, at binigyan ng parada.

Pero sa kaso ni Zhou, back to normal ang kanyang buhay.

CHINESE MEDALIST RESTAURANT

Base sa mga videos ni Zhou noong Huwebes, August 14, 2024, balik siya sa pagse-serve ng orders sa mga customers ng restaurant ng kanyang mga magulang sa Hengyang, Hunan Province.

Si Zhou ay nakasungkit ng silver medal sa women’s gymnastics balance beam category sa Paris Olympics.

Una na siyang nag-viral nang makunan sa podium na nagulat nang makita ang fellow medalists na kagat-kagat ang kanilang medalya para sa photo op kaya gumaya na rin siya.

Naaliw ang netizens sa candid reaction ni Zhou.

Zhou Yaqin and gold medalists

Zhou Yaqin of China (far left) went viral for her authentic reaction following fellow medalists’ biting their medals. 
Photo/s: One Sports on YouTube

ZHOU serves AT THE RESTO

Ayon sa info online, bumalik si Zhou sa bayan ng kanyang mga magulang matapos ang Olympics at tumulong sa kanilang food business.

Kapansin-pansin ding suot ni Zhou ang kanyang Olympic uniform.

Ibinahagi rin sa X (dating Twitter) ang kanyang post sa Chinese social media plaform na Weibo.

Kuhang larawan ito sa loob ng kanilang family restaurant, kung saan nakasabit sa pader ang photos at published features kay Zhou sa kanyang mga panalo sa competitions.

Caption niya rito: “I recommend everybody to come visit my family’s restaurant.”

Zhou Yaqin serving food order to customers (left); Photos of Zhou hanging on their resto's wall.

Zhou serving orders to customers (left); and photos and features of Zhou hanging on the wall of their resto. 
Photo/s: X

Sa isang comment sa Instagram, ipinaliwanag ng isang netizen ang kaugalian daw na ito sa “traditional Asian family.”

Sabi ng netizen, “Being from a traditional Asian family, that’s how it works, doesn’t matter if you’re an Olympic medalist, doctor, lawyer, etc, if your family needs help at the family business, you’re expected to help and we are taught from a young age that that will always be your responsibility.”

Maraming netizens ang sumang-ayon sa komentong ito.

Ikinumpara rin si Zhou sa iba pang Olympic medalists na binigyan ng mainit na salubong ng kanilang bansa.

comment
 

Zhou explains imitating MEDAL BITING

Sa isang recent interview ni Zhou sa Chinese media, nagpaliwanag ang gymnast sa panggagaya niya sa pagkagat sa medal.

Sabi niya rito (translated to English): “Because both [Alicia D’Amato and Manila Esposito] both bit their medals, it would be bad if I didn’t.

“Since we have to take pictures together, it is probably best for our movements to be the same.

“They were both actually biting it, so I just put it by my mouth for a bit.”

Sina Alicia (gold) at Manila (bronze) ay parehong mula sa Italy.