Isang nagngangalang ‘Kim-Michael Last’ ang nanawagan sa social media kung sino umano ang may kakilala sa accounting department ng GMA Network.

Si Kim-Michael ay kilala noon sa Eat Bulaga bilang miyembro ng That’s My Bae.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post, nanawagan si Kim-Michael sa sinuman na pwedeng makatulong sa kanya upang makontak ang kinauukulan. May talent fee umano siya na hindi pa nababayaran ng network.

Saad niya, “Sino may kilala sa GMA accounting department? Meron akong TF from 2 years and last year na hindi pa binabayaran.

“Its not about the money, its about me living in the UK and having to adhere to tax laws lol. Salamat sa help!”

Sa comment section, binanggit din ni Michael na pinag-isipan niyang lumapit sa lawyers ng agency na humahawak sa kanya sa UK.

Minabuti niyang manawagan na lamang para ‘direct’ kung sakaling may makatulong para hindi na hassle ang proseso.

“Freelancing that time. Nasa London na ako nung nagtaping kami.

Pwede naman ako magpatulong sa lawyers ng agency ko dito, but less hassle kung diretso nalang,” sagot niya sa isang netizen na nag-advise na lumapit siya manager niya noon.