Ipinaliwanag ng GAP president na si Cynthia Carrion ang pinanggagalingan ng sama ng loob ni Carlos Yulo kung bakit hindi pa ito lumalapit sa kanyang pamilya, partikular na sa ina nito na si Angelica Yulo.

Sa panayam ng DWIZ kay Miss Carrion, ibinahagi nito na nais niyang magkaayos sina Carlos at pamilya nito. Naniniwala siya na mangyayari rin ito sa hinaharap pero kailangan lang bigyan ng panahon si Caloy.

Dimasyado umano ang Olympic gold medalist sa kanyang ina na si Angelica Yulo dahil ito ang nagsimula ng gulo para pagpiyestahan ng media ang kanilang pamilya.

Nagtaka umano si Carlos kung bakit tila nais ng kanyang ina na siya ay matalo sa Olympics.

Saad ni Miss Carrion, “We are wondering why in his stage of winnings, they will come up with media saying things against him.”

Carlos is just wondering and we were wondering why? Carlos thinks that his mother wants him to lose,” dagdag pa ng GAP president.

Kung matatandaan, isa sa mga unang nagtrending na post ni Mrs. Yulo ay nang magpahayag ito ng kasiyahan sa pagkapanalo ng Japan, kung saan natalo nito si Caloy na nasa ika-12th rank lamang.

Post ni Mrs. Yulo, “Japan parin talaga… Lakas!”

Nasundan pa ito ng pagpapainterview ni Mrs. Yulo sa media at naglabas ng mga pahayag laban kay Caloy at nobya na si Chloe San Jose.

Bago umano ang trending isyu sa pamilya Yulo, pinag-isipan na ni Caloy na makipag-ayos sa kanyang pamilya pero hindi natuloy bunsod ng mga inihayag ni Mrs. Yulo na mas nagpagulo ng kanilang sitwasyon.