Jillian Ward, nagbigay ng clues tungkol sa kanyang crush | GMA Entertainment

Sino nga ba itong nagpapakilig kay Jillian Ward ngayon?

Nagbigay na ng clues ang Star of the New Gen na si Jillian Ward sa kung sino ba talaga ang kaniyang celebrity crush.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, October 18, nilinaw naman ni Jillian na wala pa siyang boyfriend at na wala rin siyang love life ngayon nang tanungin siya tungkol sa paghingi niya ng love advice sa Abot-Kamay na Pangarap co-star na si Carmina Villarroel.

“It’s just that nagtanong po ako sa kaniya kung ano ‘yung mabibigay niyang advice sa’kin na madadala ko hanggang pagtanda ko pagdating sa love life,” paliwanag ni Jillian.

“Sabi niya po, lagi kong titingnan kung paano tinatrato ng isang tao ‘yung kaniyang mga magulang kasi kung gaano niya kamahal ‘yung parents niya, ganu’n ka niya mamahalin,” pagpapatuloy ng young actress.

Nang balikan naman ni Boy Abunda ang sinabi niya tungkol sa kaniyang celebrity crush, sinabi ni Jillian na matapos ang halos dalawang taon na puro trabaho lang ang ginagawa, “Feeling ko deserve ko na rin pong kiligin kahit papaano.”

Nang hingan siya ni Boy ng clue kung sino ito, ang matipid na sagot ni Jillian, “Nag-Fast Talk na rin po siya.”

“This year?” pag-usisa ni Boy.

“Ay, secret na po ‘yun!” sagot naman ni Jillian.

SAMANTALA, BALIKAN ANG KILIG VIBES GALING KINA JILLIAN WARD AT KEN CHAN SA GALLERY NA ITO:

Sa ‘Fast Talk’ segment ay nakakuha uli si Boy ng clue mula kay Jillian nang tanungin niya kung moreno o chinito ang tipo ng aktres. Sagot niya, “Morenong chinito.”

Sa pagpapatuloy ng segment ay sinabi rin ni Jillian na mas tipo niya ang matangkad, at sinabing medyo handa na siyang magka-boyfriend. Inamin din ng batang aktres na minsan na rin siyang niligawan ng leading man.

Matatandaan na noong sumalang si Jillian sa panayam ng GMA Integrated News kamakailan ay inamin ng aktres na merong nagpapakilig sa kaniya ngayon, at ang ngiti niya nang tanungin kung nasa showbiz ba ito ay tila nangangahulugan na oo.

Paliwanag pa ni Jillian, “Ito na lang po so, ‘yung gusto ko kasi hindi niya alam na gusto ko siya. Hindi naman po one-sided kasi apparently gusto niya raw ako pero hindi ko sinasabi sa kanya na gusto ko siya.”