– Nakitang kasama ni Kyline Alcantara ang pamilya ni Kobe Paras sa isang video na ibinahagi ng TikTok user na @poppie016.16 noong Hulyo 26
– Kasama nila ang ama ni Kobe na si Benjie Paras, kapatid na si Andre Paras, at nobya ni Andre na si Honey Escarez
– Sa video, makikitang nag-holding hands sina Kyline at Kobe habang papalabas ng establisyemento
– Bagaman umiinog ang espekulasyon tungkol sa kanilang relasyon, iginiit nina Kyline at Kobe sa GMA Gala na sila ay “magkaibigan” pa lamang
Patuloy na umiinit ang espekulasyon tungkol sa relasyon nina Kyline Alcantara at Ko e Paras matapos silang makita kasama ang pamilya ni Kobe. Nakunan ng video ng TikTok user na @poppie016.16 noong Biyernes, Hulyo 26, si Kyline na kasama sina Kobe, ang kanyang ama na si Benjie Paras, at kapatid na si Andre Paras. Kasama rin nila ang nobya ni Andre na si Honey Escarez.
Kyline Alcantara at Andre Paras, namataang kasama sina Benjie at Kobe ParasSource: Facebook
Makikita sa video na papalabas ng isang silid ang grupo nang lapitan sila ng mga empleyado para magpa-picture. Sa isang clip, makikitang inaayos ni Kyline ang buhok ni Kobe, at nag-holding hands pa ang dalawa habang papalabas ng establisyemento kasama sina Benjie, Andre, at Escarez.
Unang kumalat ang mga tsismis tungkol sa kanila noong Mayo, matapos silang makitang magkasama sa ilang pagkakataon, kabilang na ang paglabas sa Taguig, pagdalo sa isang birthday party, at sa pagbubukas ng tattoo shop ni Kobe. Nagpakita rin sila sa katatapos lang na GMA Gala.
Gayunpaman, sa kabila ng mga spekulasyon, iginiit nina Alcantara at Kobe sa GMA Gala na sila ay “magkaibigan” pa lamang sa ngayon.
Si Kyline Alcantara ay isang actress, singer, dancer, television host, advocate at endorser. Ilan sa mga seryeng kinabilangan niya ay Annaliza (2013) at Kambal, Karibal (2017). Una siyang nakilala nang sumali siya sa Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Superstars noong 2010.
Matatandaang naging guest sa It’s Showtime kamakailan si Kyline. Ipinamalas ni Kyline ang husay niya sa pagsasayaw sa pamamagitan ng isang opening number kasama ang Baby Dolls. Naging bahagi din siya ng segment ng “Rampanalo.” Ani Kyline, ikalawang guesting niya na iyon sa naturang noontime show.
Kamakailan nga ay naging kontrobersiyal si Kyline matapos ang kanyang naging komento sa TikTok video ng Kapuso actress na si Mariel Pamintuan. Matatandaang ang video na ito ay tungkol sa mga naranasan ni Mariel bilang isang artista na hindi gaanong sikat. Kabilang sa nakwento niya ay ang pagsampal daw sa kanya nang malakas ng kanyang co-star. Dito nagkomento si Kyline ngunit kinalaunan ay binura din ang kanyang komento.
News
Kris Aquino set for major TV comeback
Kris Aquino recently opened up about her health and personal life in an Instagram post, addressing the challenges she continues to face with her autoimmune conditions. The ‘Queen of All Media’ shared that while she remains cancer-free, she is still…
Star Magic partners with International Acting School Sightlines’ Actors Space
On October 16, 2024, at Coffee Project in Wil Tower Mall, Quezon City, Sightlines’ Actors Space and Star Magic officially announced their partnership with a contract signing event. While they have collaborated for several months, this event marked the formal…
Raki Vega shares her journey from humble beginnings to Disney Legacy Award
Filipina vocalist Raki Vega, the first Filipino to receive The Walt Disney Legacy Award, shared her inspiring story on the latest episode of ‘Toni Talks’ on October 20. Vega discussed her early life in Mandaue City, Cebu, and her path…
Ysabel Ortega and Miguel Tanfelix join forces as newest Beautéderm Belle Dolls
Ysabel Ortega, a longtime Beautéderm ambassador, was recently introduced as part of the first batch of Belle Dolls. This latest campaign also features her real-life boyfriend, Miguel Tanfelix, alongside fellow endorsers Sofia Pablo and Shaira Diaz. The announcement was made…
Gabbi Garcia admits difficulty moving on from first love Ruru Madrid
Kapuso actress Gabbi Garcia has candidly shared that she struggled to move on after her breakup with fellow actor Ruru Madrid, who was her first love. In a recent episode of ‘Fast Talk with Boy Abunda,’ Garcia was asked about…
‘FPJ’s Batang Quiapo’ drops to one of its lowest ratings since its premiere
The top-rated Kapamilya action-drama ‘FPJ’s Batang Quiapo (FPJBQ)’ hit one of its lowest ratings since its debut, according to the latest Nielsen NUTAM People survey report. On Wednesday, October 16, while FPJBQ retained its position as the overall number one program, its rating…
End of content
No more pages to load