Pastor Apollo Quiboloy.

MANILA, Philippines — Tinapatan ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang P10 milyong reward money sa pagdakip sa puganteng si Pastor Apollo Quiboloy nang mag-alok naman ng P20 milyon na reward ang  KOJC kung sino ang makakapagbigay ng impormasyon sa nagbigay ng donasyon na P10-M sa gobyerno.

Ayon sa legal counsel ni Quinoloy na si Atty. Israelito Torreon, na nais ng KOJC na malaman kung sino ang nasa likod ng pagbibigay ng P10-M kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.

“According to the officers of KOJC, mayroon po silang inaalok na P20 million to those who can provide information as to who gave the private money to Sec. Benhur Abalos para raw madakip si Pastor Quiboloy,” ani Torreon.

Sinabi ni Torreon na iligal umano ang pagtanggap ng pera mula sa pribadong tao na nasa ilalim ng Republic Act 6713 section 70 kung saan malinaw na ipinagbabawal ang pagtanggap ng mga public officials ng anumang pera mula sa pribadong tao.

Nais din ng KOJC na malaman kung sino ang nasa likod ng pagbuo ng assasination team na siyang papatay umano kay Quiboloy.

Ang nasabing halaga ay mula sa iba’t-ibang ­miyembro nila sa buong mundo.

Magugunitang noong Hulyo 8 ng ianunsiyo ng DILG na mayroong alok na P10-M na pabuya sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ni Quiboloy at tig-P1-M sa mga co-accused nito.