Hero’s welcome para kay Carlos Yulo, naghihintay sa kanyang pagbabalik.

carlos angelica chloe

Pagkatapos magsalita ni Angelica Yulo (kaliwa) sa isang press conference kahapon, Agosto 7, 2024, tila humuhupa na ang alitan ng kanyang anak na si two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, na kasalukuyan pa ring nasa Paris kasama ang girlfriend nitong si Chloe San Jose (kanang larawan).

Nabawasan na ang ingay ng hindi lamang pampamilya kundi pang-sports pang alitan sa pagitan ni two-time Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo at ng kanyang inang si Angelica Yulo.

Ito ay matapos basahin ni Angelica ang opisyal na pahayag niya tungkol sa kanilang alitan sa isang press conference na naganap nitong Miyerkules, Agosto 7, 2024.

Pinagpistahan, pinag-usapan, at pinag-aksayahan nang husto ng panahon ng mga Pilipinong mahilig sa real-life family feud at drama ang away sa pagitan ng mag-ina

Negatibo man ang karamihan sa mga reaksiyon ng mga Pilipino, nagkaroon ito ng positibong epekto dahil nadagdagan ang bilang ng social media followers nina Angelica, Carlos, at maging ng girlfriend ng atleta na si Chloe San Jose.

Mula sa 12,000 Facebook followers, 20,000 na at patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga tagasubaybay ni Angelica.

MOTHER’S DAY MESSAGE OF CARLOS TO ANGELICA

Pinaniniwalaang pansamantala lamang ang away nina Carlos at Angelica dahil inaasahang mangingibabaw ang pagmamahal ng Olympic gold medalist sa kanyang ina.

Patunay nito ang mensahe ni Carlos sa Araw ng Mga Ina noong Mayo 2022.

Nakasaad dito: “Happy mother’s day sa lahat ng mommies out there at syempre sa super hero ko, ma ange! salamat sa lahat-lahat ma, di matutumbasan ng kahit anong bagay yung binigay mong pag mamahal at sakripisyong ginawa mo para sa amin. ikaw ang pinaka d’best hehe I loveyou.”

Reply rito ni Angelica: “Thank you bhe… love you to the moon and back.. missed you always “

Sagot naman dito ni Carlos: “Miss ko na din kayo ma.”

carlos yulo mother's day message