“It was hard! It’s been a tough journey ever since I started!”

Amado Panes then ang now

Determinado si Amado Panes na hindi siya dapat habang panahon na magtatrabaho sa bukid at maghapong nakabilad sa araw. Nagtapos siyang Magna Cum Laude, naging professional teacher, at nakumpleto na ang master’s degree. (Photos courtesy of DSWD Western Visayas/Amado Panes Facebook)

Sapul pagkabata ay nakamulatan na ni Amado Panes Jr. ang pagsasaka.

Tubong Barotac Nuevo, Iloilo, magsasaka ang mga magulang ni Amado.

Apat silang magkakapatid na pawang nakaranas magtanim sa bukid.

Dahil sa hirap ng kanilang kalagayan, naging motibasyon niya iyon para mangarap ng mas magandang buhay para sa kanilang pamilya.

Amado Panes as a student teacher

Si Amado Panes noong college student pa siya. Photo: Amado Panes Facebook

Noong 2001, naaksidente ang kanyang ama habang nagsasaka.

Lalong humirap ang kanilang kalagayan dahil hindi siya makapagtrabaho nang maayos sa bukid.

Para makaraos, tinutulungan sila ng kanilang mga kakilala sa pang-araw-araw na pangangaiIangan.

Awa ng Diyos, naka-recover ang kanyang ama at muling nakabalik sa pagtatanim.

Ang kuwento ng buhay ni Amado ay itinampok sa official Facebook page ng DSWD Western Visayas last July 24, 2024.

AMADO PANES’S STRUGGLES AS A STUDENT

Nang mag-aral si Amado sa elementarya noong 2005, kinailangang maglakad siya ng ilang kilometro para pumasok sa school.

Maagang gumigising ang kanyang ina para ipaghanda silang magkakapatid ng baon.

Madalas na ang kanyang baon para sa tanghalian ay kanin na sinabawan lang ng toyo at mantika.

Kapag tag-ulan, para hindi mabasa ay binabalot niya ang sarili ng plastic na pinaglagyan ng abono dahil wala silang pambili ng payong.