Trending ang pinakabagong episode ng ‘EXpecially For You’ na ipinalabas ngayong araw sa programang It’s Showtime.

Sa nasabing episode napag-usapan ang hinggil sa relasyon ng mga magulang sa kanilang mga anak dahil sa ibinahaging kwento ng isa sa mga participant ng naturang segment.

Ayon kay Vice, napakahirap umano na malagay sa ganitong sitwasyon. Ang alitan umano sa pamilya ay mahirap solusyunan. Sa pagbabahaging ito ni Vice, binanggit niya pa ang mga katagang ‘gold sa Olympics.’

“Mahirap ‘yung hindi ka okay sa family,” saad ni Vice.

“Napakahirap na problema niyan, yan ‘yung problema na hirap na hirap kang solusyunan at gawan ng paraan,” ayon pa kay Vice.

“Parang kung iisipin mo mas mahirap pa ‘yan sa makakuha ng gold sa Olympics,” ani Vice.

Bukod dito, ipinaliwanag rin ni Vice na hindi siya naniniwala na makakaya ng sinuman na i-let go ang kanilang pamilya. Siguro magkakaroon ng ‘time out’ pero sa huli babalik at babalik pa rin umano sa pamilya.

Saad ni Vice, “Hindi ako naniniwala na you can let go of your family. May punto na kailangan mo ng time out. There will come a point na you will have to go back home, there will have a point that you will have to talk to them again.” 

Marami ang nadismaya sa pahayag na ito ni Vice dahil tila ipinababatid umano nito sa madla na mas kinakampihan niya ang ina ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo.

Sa pamamagitan ng isang ‘X’ post, mariing itinanggi ni Vice na mas kinakampihan niya si Angelica Yulo. Kailanman, hindi daw siya nagbigay ng opinyon hinggil sa hidwaan ng mag-ina dahil mas gusto niyang i-celebrate ang pagkapanalo ni Carlos sa Paris Olympics 2024.

Saad ni Vice, “Ha?!!! Saan galing to? Never akong nagbigay ng opinion ko tungkol sa issue ng pamilyang yan dahil mas gusto kong icelebrate ang tagumpay ni Carlos Yulo kesa makisawsaw sa eksena ng pamilya nya.”