Sa X social media account, may netizen na nag-share ng photo ni Kim Chiu na nagbababad sa bath tub habang sumasailalim sa cold water immersion o ice bath.

Isa itong klase ng training regimen na therapeutic para sa mga atleta at health buffs na ginawa rin noon nina Matteo Guidicelli at Gerald Anderson.

Ikinonek naman ito ng kafaneyan sa naging routine ni Paulo Avelino na cold plunge o cold therapy na pareho rin ang proseso sa ‘ice bath’ kamakailan.

Matatandaang sa IG post noon ng aktor ay sinabi nitong bahagi na ng daily routine niya ang paglublob sa yelo.

Dahil dito, nagsuspetsa agad ang KimPau fans na magkasama ang dalawa nang nag-undergo sila sa cold water immersion kaya naman inurot nila si Paulo.

Sagot naman ng aktor: “Grabe naman kayo. Nagkataon lang.”

Sa kanyang naging sagot, hindi naman siya tinantanan ng pangangantiyaw ng KimPau fans.

May mga dudosong ibinuking si Pau at ayaw maniwalang hindi sila nag-usap o magkasama ni Kim sa nasabing session.

Iniugnay pa ito sa naging pagtanggi ni Kim sa isang panayam kung saan naurirat ang Chinita actress kung sabay ba silang nag-duathlon ni Pau noong nasa ibang bansa sila pagkatapos na kumalat ang mga photo nila.

Ang sagot kasi ni Kim ay nagkataon lang daw iyon.

Ito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizen.

“He soaks, She soaks #icebath #couplegoals #fitnessgoals”

“We weren’t born yesterday. Some of the KimPaus pabalik na kayo papunta palang sa exciting part! Haha”

“Pagpasensyahan niyo nalang ang pagkakataon. ”

“pag ba laging nagkataon lang, ibig sabihin ba nun destiny???”

“More more “nagkataon” … Please! 😜”

“Nagkataon lng na nagmahalan, ayieeee”

“Nagkataon lang din, na pareho ang sagot hahaha”

“Pati sasabihin copy paste pa,ok pa sa alright Ang ” nagkataon” na linyahan na Yan ituloy nyo lang Dyan kaming mga Kimpau fans kinilig charrsss”